P3-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa mahigit 500 naarestong kriminal sa Central Luzon

Arestado ang 565 na most wanted persons sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations ng Philippine National Police (PNP) sa Central Luzon mula February 28 hanggang March 6, 2022.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig Gen. Rhoderick Augustus Alba, nasa 565 na mga naaresto nakumpiska ang mahigit 413 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos ₱3 milyon.

Ayon naman kay Police Regional Office 3 Regional Director PBGen. Matthew Baccay, itutuloy nila ang pagsasagawa ng operasyon kontra iligal na droga para mas maging ligtas ang komunidad sa kanilang nasasakupang lugar.


Samantala, utos naman ni PNP Chief General Dionardo Carlos sa lahat ng pulis na ituloy lang ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya ng PNP upang mas mapaigting ang pagsugpo sa kriminalidad at iligal na droga.

Facebook Comments