P3 PROGRAM | DTI, humirit ng panukala sa Senado kontra “5-6”

Manila, Philippines – Pinaaaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado ang panukalang Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o P3 program.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, sa pamamagitan ng P3, hindi na kakailanganin pang mangutang ng malilit na negosyo sa “5-6” na nagpapatong ng malaking interes.

Kung tuluyang maisasabatas, mula sa kasalukuyang isang bilyong piso aabot na sa apat na bilyong piso ang pondo para programa at magpapatuloy ito kahit matapos ang termino ni Pangulong Duterte.


Kapag mas malaki ang pondo, mas marami rin aniyang maliliit na negosyo ang matutulungan ng pamahalaan.

Nito lang Nobyembre, nakapaglabas ang DTI ng P1.7-billion para sa 52,000 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa 79 na mga probinsya sa buong bansa.

Nauna nang nakalusot sa Kamara ang P3 program habang nakabinbin pa ang katulad na panukala sa ikalawang pagbasa sa Senado.

Facebook Comments