P30 DAGDAG SAHOD PARA SA MGA MINIMUM WAGE EARNERS SA REHIYON, IPATUTUPAD

Cauayan City – Magandang balita para sa mga minimum wage earners sa lambak ng Cagayan dahil magkakaroon ng dagdag na P30 sa kanilang arawang sahod.

Sa inilabas na anunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards Cagayan Valley, ang karagdagang sahod para sa mga minimum wage earners sa mga private establishments ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na suriin ang minimum wage, kung saan ang adjustments na ipatutupad ay napagkasunduan naman ng RTWPB-II na binubuo ng mga representatives mula DOLE, NEDA, at DTI.

Para sa bagong minimum wage rate, ang dating P450 daily minimum wage ng mga manggagawa mula sa non-agricultural sector ay magiging P480, habang ang P430 na arawang sahod ng mga nasa agricultural sector ay tataas sa P460.


Maliban dito, inaprubahan din ng ahensya ang P500 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa lahat ng lungsod at mga munisipalidad sa buong Rehiyon 2 kung saan ang dating P5,500 kada buwan ay magiging P6000.

Magiging epektibo naman ang wage order na ito sa darating na ika-17 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Facebook Comments