Pinaalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na tuparin ang kanilang pangako na ibigay ang ₱30 million na pabuya sa mga tumimbre kung sino ang pumatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Ayon sa Pangulo – ibinigay na niya ang kanyang ₱20 milyong pabuya subalit yung sa mga mambabatas ay hindi pa inilalabas.
Biro pa ng Pangulo na karamihan sa mga mambabatas ay mga potensyal na ‘boksingero’ lalo at laging naka-sarado ang kanilang kamao, ayaw ibigay ang pera.
Nalaman ng Pangulo ang kulang na pabuya sa Batocabe case mula kay PNP Chief Oscar Albayalde.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP ang anim na suspek sa pagpaslang sa mambabatas na pawang mga dating sundalo, miyembro ng paramilitary o dating rebeldeng komunista na nahaharap sa kasong murder.