P3,000 gratuity pay, matatanggap ng mga contractual at job order government employees

Makatatanggap na ng one-time incentive na aabot hanggang ₱3,000 ang mga manggagawang nasa ilalim ng contract of service at job order schemes sa gobyerno.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order no. 38 na nagbibigay ng gratuity pay sa mga nasabing manggagawa para sa taong 2020 bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.

Ang mga COS at JO workers, kasama ang iba pang state employees ay kailangang pumasok sa trabaho ano pa man ang umiiral na community quarantine status para matiyak na tuluy-tuloy ang paghahatid ng government services.


Ang lahat ng COS at JO workers na nagtrabaho ng nasa apat na buwan ay makatatanggap ng one-time gratuity pay na hindi hihigit sa P3,000.

Ang mga nakapagtrabaho ng halos apat na buwan ay bibigyan ng insentibo sa ilalim ng pro rata basis.

Sakop ng gratuity pay ang mga COS at JO workers sa national government agencies, state universities and colleges, government-owned o controlled corporations at local water districts.

Facebook Comments