P31-M NA TULONG SA PRODUKSYON NG PINYA SA ECHAGUE, ISABELA, APRUBADO NA

Cauayan City, Isabela- Aprubado na ang 31 milyong pisong tulong sa Caviteno-Isabelino Agriculture Cooperative (CIACO) sa pagpapalago ng kanilang Pineapple Production at Marketing Enterprise ng Regional Project Advisory Board (RPAB) 2 sa katatapos na 33rd regular meeting sa DA RFO 2 Administration and Training Center Conference Hall, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa isang panayam, ito ang kauna-unahang proyektong aprubado sa Additional Financing 2 ng Department of Agriculture Philippine Rural Development Project (DA PRDP) IREAP Component matapos ang masusing tanungan at pag usisa sa lahat ng mga dokumentong ipinresenta ni CIACO Manager Maria Victoria Anahaw.

Nagpapasalamat naman si Narciso A. Edillo, Regional Executive at Project Director ng DA PRDP Coordination Office 2 sa nasabing halaga dahil malaking tulong ito sa pag-angat ng industriya ng pinya sa rehiyon.

Pinasalamatan din ni Anahaw ang bumubuo ng board na siyang tumulong sa kanila upang maisakatuparan ang matagal na nilang minimithi ang maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga pineapple grower sa kanilang bayan.

Samantala, sa darating na Hunyo 15-18 2022, lilipad si CIACO Manager Anahaw sa Bangkok, Thailand upang dumalo sa training at benchmarking na makakatulong sa pagpapaganda ng kanilang produkto.

Facebook Comments