P32.4 million na budget ng lokal na pamahalaan ng Navotas, gagamitin sa ayuda ng mga residenteng apektado ng nakaraang ECQ

Gagamitin ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang P32.4 million na budget nito para maibigay na ayuda sa mga residenteng apektado ng nakaraang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Orihinal na nakalaan ang pondo na ito sa machinery repair and maintenance, drugs and medicines, supplies and materials at office equipment.

Salig na rin sa City Appropriations Ordinance No. 2021-09 ay pinayagan ang reversion sa paggamit ng nasabing budget.


Ilalaan naman ang pondo para sa natitirang benepisyaryo na hindi nabigyan o hindi kasama sa pinakahuling cash aid.

Magkagayunman, kulang pa ng P2 million ang pondo para sa 13,535 beneficiaries.

Pinag-aaralan naman ng lokal na pamahalaan na gamitin ang Gender and Development Fund para makumpleto ang kinakailangang pondo.

Facebook Comments