Ang naturang tulay ay may sukat na 22.4 metrong haba at may pitong (7) metrong lawak na kaya ang lahat ng uri ng sasakyang pang transportasyon at pakikinabangan ng 4,500 na mga magsasaka, at Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Pinangunahan ni Program Beneficiaries Development Division Chit Bungubung ang inspeksyon sa lugar para sa nalalapit na pagbubukas ng tulay.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Engr. Rustico R. Turingan, ang proyekto ay pinondohan ng DAR sa ilalim ng TPKP project katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang lokal na pamahalaan ng Solano.
Taong October 2021 nang simulan ang proyekto at natapos lamang ngayong buwan.
Nagkakahalaga ng P32 milyon ang nagastos sa pagpapagawa ng steel bridge na pinondohan ng Department of Agrarian Reform.