P32 million ‘Bayanihan Grant’ ng LGU Tabuk, Aprubado sa pagtatayo ng Pasilidad

Cauayan City, Isabela- Inaprubahan ng Tabuk City Inter-agency Task Force (CIATF) on COVID-19 ang panukala na gamitin ang natitirang pondo sa ilalim ng ‘Bayanihan Grant’ para sa konstruksiyon ng isolation facilities at pagbili ng medical supplies dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ayon kay City Administrator Arnold Tenedero, ilalaan ang P20 million para sa gagawing pasilidad habang ang P12 million ay gagamitin sa pagbili ng mga medical supplies kasama ang rapid testing kits.

Napagkasunduan rin ng CIATF ang implemantasyon na ‘Wednesday only’ ang gagawing polisiya sa mga uuwing LSis mula sa Metro Manila. Ito ay upang magkaroon ng mahabang oras na matapos ng mga kasalukuyang LSIs ang kahit man lang na kalahating araw ng kabuuang bilang ng 14-days quarantine.


Ayon kay City Health Officer Dr. Henrietta Bagayao, nasa 30 LSI ang nagsisiuwian kada araw o katumbas ng 900 sa loob ng isang buwan.

Tinatayang nasa 140 bed capacity ang maookupa ng tatlong (3) pasiliadad gaya ng the City Isolation Unit (CIU) sa Agbannawag, ang Pastoral Center sa Bulanao, at St. Theresitas’ School sa Dagupan.

Aniya, wala namang magiging problema sa dagsa ng mga LSIs kung may karagdagan lang na pasilidad na kanilang matutuluyan.

Plano rin ng Lower Kalinga District Engineering Office (LKDEO) paglalagay ng tatlong (3) units ng health facility tents na may 10 bed capacity sa Agabannawag.

Facebook Comments