P326-B kada taon, kailangang kitain ng bansa para mabayaran ang mga utang dahil sa pandemya

Mangangailangan ang bansa ng P326 billion na kita kada taon para mabayaran ang mga pagkakautang sa COVID-19 pandemic.

Ito umano ang magiging hamon sa susunod na administrasyon para mabayaran ang pangunahing pagkakautang at ang interes sa utang bunsod ng pandemya.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, kung susumahin ang debt service mula January 2020 hanggang March 2022 ay tinatayang aabot sa P144 billion ang halaga para sa pinakautang na dapat mabayaran at P181-B naman para sa interest payments.


Magkagayunman, ang halaga ng utang ay magbabago-bago kada taon kung saan minsan ay mas mababa ang babayaran sa isang taon.

Mangangailangan naman ng “fiscal space” kung saan hahabaan ang payment schedule upang masakop ang mga bayarin na utang na hindi na kakailanganin pa na tapyasan ang pondo ng mga ahensya.

Facebook Comments