P33 billion pondo para sa pagbili ng laptop na ibibigay sa mga guro, kailangan – DepEd

Aabot sa P33 billion ang kailangang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pagbibigay ng laptop sa lahat ng guro sa bansa.

Kasunod ito ng naganap na laptop protest ng mga guro para sa pagbubukas ng school year 2021-2022 nitong lunes.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, gagamitin ang pondo bilang dagdag sa mga kagamitan ng mga guro.


Maliban pa rito ang P4 billion pondo para sa data connectivity sa susunod na 12 buwan.

Nabatid na aabot sa P630.8 billion ang ipinanukalang pondo ng DepEd para sa 2022 National Budget kung saan P629.8 ay nakalaan para sa Office of the Secretary.

Sa huling datos ng DepEd, umabot na sa 25,582,224 mag-aaral ang nakapag-enroll ngayong taon na malayo pa rin sa naitalang 26,227,022 noong school year 2020-2021.

Facebook Comments