P33 na umento sa sahod, hindi magdudulot ng inflation – NEDA

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi magdudulot ng paglobo sa presyo ng bilihin o inflation ang P33 na dagdag-sahod sa mga manggagawa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, aabot lamang ng hanggang sa 0.15% ang epekto nito sa inflation at tanging 6.1% lang na umento sa sahod ang inirerepresenta nito.

Dagdag ni Chua, tatlong taong hindi nagalaw ang minimum wage kaya ang ginawa lamang ngayon ay ang pagbalanse ng kapakanan ng mga manggagawa at mga employer nito.


Samantala, sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello na maaaring ma-exempt sa pagbibigay ng dagdag-sahod ang mga negosyong mayroong maliit na bilang ng mga empleyado upang hindi ito mahirapan kung saan nila kukuhain ang mga ipapasahod sa kanilang mga tauhan.

Facebook Comments