P340K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA SAN FABIAN

Arestado ang dalawang hinihinalang high-value target matapos masabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang tinatayang ₱340,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Cayanga, San Fabian.


‎Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Eurelyn,” 38 anyos at residente ng Naguilian, La Union, at isang 42 anyos na lalaki mula naman sa Bauang, La Union.


Ayon sa ulat, bumiyahe pa umano ang mga ito patungong Pangasinan upang isagawa ang ilegal na transaksyon.


‎Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱340,000, isang cellphone, mga kagamitan sa pagtitimbang at pagrerepack ng droga, at buy-bust money.


‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments