P35 wage increase, insulto sa mga Pilipinong manggagawa -kongresista

Mariing tinuligsa ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas ang inaprubahang P35 na umento sa sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region na sisimulang ipatupad sa July 17.

Para kay Brosas, ang kakarampot na wage increase ay insulto sa mga manggagawang Pilipino at patunay na hampaslupa ang tingin sa kanila ng gobyerno.

Sabi ni Brosas, ipinapakita nito ang alipin na pagtrato ng pamahalaan sa Filipino workers at ang hindi pagpapahalaga sa kanilang karapatan at pangunahing pangangailangan.


Bunsod nito ay tiniyak ni Brosas na sasabayan ng malawakang kilos-protesta ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipanawagan ang nakabubuhay na sahod kasabay ng tumitinding krisis sa bansa.

Muling iginiit ni Brosas ang P750 across-the-board wage hike para makamit ang P1,200 na daily Family Living Wage sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Facebook Comments