Para kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, napakabigat para sa mga mahihirap na pamilya ang halagang P3,500 na buwanang bayad para sa pabahay ng gobyerno.
Binanggit ito ni Castro sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa 5.4 billion pesos na panukalang pondo para sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa susunod na taon.
Sa budget hearing ay sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na nasa P1.4 milyon ang halaga ng isang housing unit na sa tingin naman ni Castro ay hindi maituturing na pabahay para sa mga mahihirap.
Paliwanag ni Castro, 610 pesos lamang ang arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila na target ng programa.
Pangunahin ding inihalimbawa ni Castro ang mga informal settler families na dinala sa Southville 7 sa Calauan, Laguna na hirap na mabayaran ang kanilang P600 buwanang amortisasyon kaya marami sa kanila nakaka-receive ng notice of closure.