P355.6 billion Metro Manila Subway Project, aprubado na ng NEDA

Manila, Philippines – Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang 355.6 billion pesos na Metro Manila Subway Project.

Sa isang taon na sisimulang itayo ang subway system na inaasahang matatapos sa 2025.

Ang 25-kilometer-subway ay may rutang mula Minadano Avenue sa Quezon City papuntang Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque.


Target ng pamahalaan na maisagawa ang partial opening ng subway bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Facebook Comments