Timbog sa ikinasang buy bust operation ang isang 35 anyos na lalaki sa bayan ng Sual, Pangasinan.
Nakumpiska ng awtoridad sa suspek ang 5.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P35,360, kabilang ang P9,000 na boodle money at ilan pang non-drug evidence.
Matapos ang imbentaryo ng mga ebidensya, kulong sa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kakaharapin nitong kaso.
Bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga ang operasyon upang masawata ang anumang anyo ng kriminalidad at maprotektahan ang mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










