Tumanggap ang PhilHealth mula sa PCSO ng P360M pondo para sa pagpapabuti ng mga
benepisyo sa ilalim ng Universal Health Care.
Ang tseke ay tinanggap ni Ma. Lourdes V. Naguit (L) Chief for Investment Division ng
Treasury Department ng PhilHealth mula kay PCSO General Manager Melquiades Robles.
Kasama sa larawan si Melody A. Planillo, Fiscal Controller ng ahensya.
Sa ilalim ng Rule IX, Section 37(c) ng IRR ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act of 2019, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay maglalaan ng 40
porsiyento mula sa charity fund para sa higit pang pagpapabuti ng benepisyo ng PhilHealth.
Kabilang sa palalawakin pang benepisyo ng PhilHealth mula sa pondo ng PCSO ay ang
pagpapabuti ng Z benefit package para sa post-kidney transplant, breast cancer, prostate
cancer, cervical cancer at open-heart surgery para sa mga bata, physical medicine,
rehabilitasyon at rasyonalisasyon ng mga piling medical at surgical procedures.
Ang nasabing halaga ay ire-remit sa Bureau of Treasury bilang kontribusyon ng PCSO sa 4th quarter ng taong 2023, at ito ay maibibigay sa PhilHealth sa pamamagitan ng General
Appropriation Act.