P360K DELINQUENCY NAKOLEKTA NG SSS URDANETA CITY BRANCH SA MGA EMPLOYERS SA EASTERN PANGASINAN

Umabot sa ₱360,158.43 ang nakolekta ng SSS Urdaneta City Branch mula sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign na ipinatupad sa ilang bayan sa Eastern Pangasinan ngayong taon.
Simula Pebrero, 37 employer ang nabisita ng tanggapan, na nagresulta sa 14 kaso ng non-remittance, 23 kaso ng non-registration, at 11 employer ang isinangguni na sa legal department matapos mabigyan ng final demand letter.
Sa ilalim ng kampanyang ito, 243 empleyado ang makikinabang at matutulungang mabigyan ng kanilang karampatang benepisyo.
Hinimok ng tanggapan ang mga employer na sumunod sa regulasyon upang maiwasan ang pagbabayad ng delinquency at legal na usapin. Hinihikayat din ang mga empleyado na huwag mag-atubiling i-report ang anumang pagkukulang sa kanilang benepisyo.
Tiniyak ng SSS Urdaneta na kanilang pinaigting ang kampanya bilang paalala sa responsibilidad ng bawat employer na tiyaking maayos na naihuhulog ang kontribusyon ng kanilang mga manggagawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments