P362 milyong pondo para sa genome sequencing, inilaan ng gobyerno

Karagdagang P362 milyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng genome sequencing sa buong taon.

Ang genome sequencing ay isang proseso upang ma-identify ang bagong umuusbong na COVID-19 variants.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, makakatulong ang nasabing pondo para mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang uri ng sakit sa bansa.


Aniya, ang genome sequencing ay isa sa mga susi sa matagumpay na paggulong ng COVID-19 vaccination program.

Nakapaloob dito ang isang taong suplay ng reagents o chemicals na ginagamit sa nasabing test, testing kits, at iba pang logistical requirements.

Facebook Comments