Umaabot sa P375 milyong pondo ang naipalabas ng Department of Agriculture (DA) bilang ayuda sa mga hog raisers na naapektuhan ng African swine fever (ASF).
Ayon kay DA spokesman Noel Reyes, pinresyuhan ng P5,000 halaga ang kada baboy na tinamaan ng ASF sa bansa.
Ang kagawaran anya sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang namamahala sa pagpigil ng ASF gayundin ang pamamahagi ng pondo sa mga apektadong hog raisers.
Anya sapat naman ang pondo ng kagawaran para sa ASF bukod sa may mga LGUs na katulong sa kampanya para labanan ang virus.
Sinabi ni Reyes, ang DA ay nagkakaloob ng gamot at hauling sa mga LGUs na tinamaan ng ASF ang kanilang lugar.
Madaragdagan pa aniya ang pondong ilalaan sa kampanya sa ASF depende sa pangangailan ng mga nabiktina ng ASF.