Aabot sa P380,000 na kabuuang halaga ng tulong pangkabuhayan ang natanggap ng 19 na dating mga rebelde na sumuko sa hanay ng 86th Infantry Battalion, 5th ID, Philippine Army.
Ito ay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa tulong ng 86th IB sa magkakahiwalay na bayan na kinabibilangan ng Bayombong, Nueva Vizcaya; Cabarroguis, Quirino at Ilagan City, Isabela.
Ang natanggap na livelihood assistance ng mga dating rebelde ay bahagi ng kanilang makukuhang benepisyo sa ilalim ng ECLIP na tulong ng pamahalaan sa kanilang tuluyang pagbabalik-loob sa gobyerno para makapagsimulang mamuhay muli kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Facebook Comments