P39.3-M NA FLOOD CONTROL, NATAPOS NA SA BAYAN NG ROXAS

CAUAYAN CITY – Nakumpleto na ang pag gawa sa proyektong flood control sa barangay Simimbaan, Roxas, Isabela.

Sa naging pahayag ni District Engineer Jose Tobias ng DPWH – Isabela 2nd District Engineering Office, ang nasabing proyekto ay proteksyon sa banta ng baha sa 50 na pamilyang naninirahan sa nasabing lugar sa panahon ng mga malalakas na ulan.

May haba itong 731.60 lineal meters at nagkakahalaga ng P39.3-M na pinondohan sa ilalim ng 2024 DPWH regular Infrastructure Program.


Facebook Comments