P395 milyong halaga ng nakumpiskang smuggled na sigarilyo, sinunog sa Pagadian City

Sinaksihan ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ang pag-sunog ng P395 milyong halaga ng nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa Provincial Government Complex, Barangay Dao, Pagadian.

Pinapurihan naman ni WestMinCom Commander Brig. Gen. Arturo Rojas ang mga tropa ng Naval Forces Western Mindanao, Joint Task Force Zamboanga, at iba pang unit ng WestMinCom sa kanilang aktibong partisipasyon sa law enforcement operations sa rehiyon.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay resulta ng pagsisikap ng Anti-Smuggling Task Force sa Zambasulta area, na binubuo ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Internal Revenue at Local Government Unit.


Nasabat ang kontrabando sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi mula Mayo hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments