Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Air Force (PAF) at Quezon City District Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) ang P4.2 million na halaga ng COVID-19 test kits.
Batay sa ulat ng PAF, nakumpiska nila ang mga rapid test kits kahapon sa operasyon sa Pasig City.
Aabot sa kabuuang 21,000 kits na brand ng Konsung ang nakuha nila mula sa apat na suspek na agad namang naaresto dahil sa iligal na pagbebenta.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek at mahaharap na sa paglabag sa Republic Act 9711 o Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits.
Facebook Comments