P4.2 MILYONG HALAGA NG MARIJUANA, NASAMSAM AT SINIRA SA SUGPON, ILOCOS SUR

Itinuturing na high-impact operation ang ikinasa ng mga awtoridad Mount Agay, Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur, matapos madiskubre at mabuwag ang tatlong malalaking taniman ng marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang PHP 4,285,000.00.

Sa isinagawang eradication operation, nakumpiska ang 19,800 piraso ng fully grown marijuana plants, 13,000 piraso ng tuyong tangkay ng marijuana na may tinatayang halaga batay sa Dangerous Drugs Board (DDB) na PHP 4,285,000.00.

Ayon sa mga awtoridad, agad na sinira sa mismong lugar ang mga nakumpiskang ebidensya alinsunod sa itinakda ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyang-diin ng PDEA na ang pagbuwag sa mga taniman ay mahalagang hakbang upang maputol ang suplay ng ilegal na droga mula pa lamang sa pinanggagalingan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments