Umabot na sa P4.27 billion ang inilaan ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) sa coconut sector ng bansa.
Batay sa datos, aabot sa 16 na borrowers at 2,601 coconut farmers ang naging benepisyaryo ng Coconut Production and Processing Financing (Coco-Financing) Program.
Kabilang din sa mga nakahiram sa Landbank ay anim na malalaking enterprises, apat na small and medium enterprises (SMEs), tatlong kooperatiba, dalawang asosasyon at isang non-governmental organization (NGO) na umabot sa P1.78 billion na pondo ang nalaan.
Ayon kay Landbank President at CEO Cecilia Borromeo, makakatulong din ang pagsasanib pwersa ng Landbank sa United Coconut Planters Bank (UCPB) upang magbigay pa serbisyong pinansyal sa sektor ng agrikultura.
Facebook Comments