Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bonded warehouse ang mahigit 600 grams ng shabu na itinago sa mga lata ng chocolate wafer.
Ayon sa Customs, nadiskubre ang naturang mga kontrabando matapos ang isinagawang physical examination sa mga DHL cargoes na hindi kinukuha ng mga dapat sana’y tatanggap nito.
Lumalabas na galing ang naturang shabu sa Las Vegas, Nevada at naka-consigned sa hindi naman tinukoy na residente sa Hagonoy,Bulacan.
Idineklara ang mga ito bilang mga laruan na pangregalo.
Ang importer at mga responsable sa naturang shipment ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments