Tinitiyak ni Anakalusugan Representative Mike Defensor sa publiko at kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagtitibayin sa tamang panahon ang panukalang P4.5 trillion national budget sa 2021.
Ito ang garantiya ng kongresista sa kabila ng pagka-antala sa deliberasyon ng pambansang pondo sa plenaryo kasunod ng naging alok ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw na lamang sa pwesto.
Agad ding dinepensahan ni Defensor na hindi intensyon ng House leadership na i-hostage ang national budget dahil sa isyu ng Speakership.
Paliwanag ng mambabatas, humingi lang sila ng isang araw na time-out sa budget hearings upang maplantsa sa mga ahensya ng gobyerno ang kanilang paglalaanan sa mga hinihinging pondo.
Sinabi ni Defensor na maaaring maaprubahan sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang national budget bago mag-recess ang Kongreso sa Oktubre 16, 2020.
Target naman na sa unang kalahating buwan ng Disyembre ay malagdaan na ni Pangulong Duterte ang 2021 national budget.