Nakuha ng Pilipinas ang sigurado ng P4.7 billion na investment mula sa Unilever kasunod ng naganap na pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng nasabing kompanya.
Nakipagpulong ang pangulo sa mga opisyales ng Unilever sa pangunguna ni Matt Close, presidente ng nasabing global business group.
Ayon kay Close, ang paglalagak ng investment ay patunay ng kanilang commitment sa Pilipinas na kanilang itinuturing na importanteng lugar para sa pamumuhunan.
Kaugnay nito’y pinasalamatan naman ng pangulo ang Unilever sa ibinibigay nitong commitment sa bansa.
Naniniwala naman ang pangulo na may naging bigat din sa hakbang ng Unilever ang ilang pagbabago sa policy measures na ipinatutupad ngayon sa Pilipinas.
Kabilang dito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law na nagtatanggal sa foreign ownership restrictions.