P4.8-M ACCESS ROAD, MALAKING TULONG SA PAGPAPAUNLAD NG EKONOMIYA SA BAYAN NG BURGOS

CAUAYAN CITY – Natapos na ng DPWH-Isabela 2nd District Engineering Office ang ginagawang access road sa Barangay Caliguian, Burgos, sa lalawigan ng Isabela.

Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P4.8-M kung saan may haba itong 953 meters at lapad na limang metro.

Malaking tulong din ito sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa nasabing barangay dahil nag-uugnay ito patungo sa mga industrial hubs at commercial areas sa bayan ng Burgos.


Dahil dito ay mas mapapadali na ang pag-access nila sa mga social at health services maging transportasyon ng kanilang mga kalakal.

Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng Convergence and Special Support Program para sa taong 2024.

Facebook Comments