P4 billion na halaga ng repeated projects, inalis ng Senado sa 2026 budget

Aabot sa P4 billion na repeated projects o mga nauulit na proyekto ang tinanggal ng Senado sa 2026 national budget.

Sa budget deliberations ay binusisi ni Senator Erwin Tulfo kung nasala at natanggal na ba ng Senado ang mga doble-dobleng insertions o mga proyekto na pareho ang pangalan, pondo, sukat at lugar na isiningit ng DPWH.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, natanggal na nila ang lahat ng mga reappearing projects o mga proyektong nakalagay na sa mga nakalipas na taon na pambansang pondo at muling nakita sa 2026 budget.

Kinuwestyon din ni Tulfo ang dahilan ng pagkakaroon ng double appropriations dahil ilang taon na rin palang ganito ang ginagawa ng ahensya.

Tugon ni Gatchalian, dalawa ang posibleng dahilan, ito ay maaaring tamad lang ang gumagawa ng budget ng DPWH o maaaring ginagawa ito para maging source ng korapsyon dahil kapag nadodoble ang proyekto, nadodoble rin ang alokasyon para dito.

Facebook Comments