Kinumpirma ngayon ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot na sa mahigit na apat na milyong piso ang halaga ng humanitarian assistance na naipagkaloob ng ahensya sa mga naapektuhan ng shearline.
Ayon sa DSWD, bukod sa apat na milyong pisong halaga, aabot naman sa 206,684 na indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng shearline.
Paliwanag pa ng DSWD, katumbas ang naturang na bilang ng 55,254 na mga pamilya mula sa Regions 6 at 7 kung saan sa kasalukuyan ay mayroong nasa 907 na pamilya o katumbas ng 2,706 na indibidwal na namamalagi sa 14 evacuation centers na binuksan para pansamantalang tuluyan nang mga naapektuhan ng shearline.
Habang nasa 1,098 na pamilya o 3,372 na indibidwal naman ang kasalukuyang namamalagi sa kanilang mga kaanak kung saan ay mayroon nang 12 bahay ang nawasak habang 16 naman ang bahagyang napinsala dulot ng naturang shearline.