P4-M na halaga ng family food packs, naipamahagi na ng DWSD sa sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros

Umabot na sa higit P4.39 milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang dagdag na tulong sa lokal na pamahalaan na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, malaking bilang ng naibigay na tulong ay napunta sa mga bayan ng Bago at La Carlota gayundin sa munisipalidad ng La Castellana, Murcia, at Pontevedra.

May kabuuang bilang na 10,993 families o 37,699 indibidwal mula sa 23 barangay sa Western (Region 6) at Central Visayas (Region 7) ang naiulat na naapektuhan ng pagputok ng bulkan.


Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC), mayroong 3,724 families o 12,368 indibidwal ang nagkakanlong sa 29 evacuation centers ng mga apektadong rehiyon sa Visayas.

Nakapamahagi na rin ang DSWD FO 6 ng mga kahon ng FFPs sa may 246 families o 723 individuals sa Pontevedra, Negros Occidental.

Nakatanggap din ng mga hygiene kits at sleeping kits ang mga naapektuhang pamilya.

Namigay rin ang DSWD FO 7 City Action Team (CAT) ng mga dinner packs sa mga pamilya at indibidwal na nasa Macario Española Memorial School (MEMS) sa Canlaon City, Negros Oriental.

Kasalukuyan ding umaasiste ang DSWD FOs 6 and 7 sa mga tauhan ng lokal na pamahalaan para sa registration at profiling ng mga evacuee sa pamamagitan ng Family Assistance Card in Emergencies and Disasters (FACED).

Facebook Comments