P4 milyong halaga ng Tanim na Marijuana, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Umabot sa apat na milyong piso (P4,000,000.00) ng Marijuana Plantation ang sabay sabay na sinira ng mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office, RID/RPDEU PROCOR, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga, 1503rd RMFB, 141SAC PNP SAF, at RIU 14 sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Batay sa report, tinatayang humigit kumulang 20,000 fully grown Marijuana plants na milyon-milyong ang halaga mula sa 2,000 square meters ng lupain ang pinagsusunog ng mga otoridad.

Wala namang naabutan na tao sa lugar na posibleng nangangalaga sa nasabing malawak na taniman ng iligal na Marijuana.


Posibleng patawan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at habambuhay na pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang lumabag sa kampanya kontra iligal na droga.

Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso (PhP 500,000.00) hanggang sampung milyong piso(PhP 10,000,000.00) ang multa ng isang indibidwal na mahuhuling nagtatanim ng ganito kalawak na Marijuana.

Facebook Comments