P400-M halaga ng ilegal na droga, nasabat ng PDEG sa NAIA

Nasaba’t ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Intelligence and Foreign Liaison Division kasama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mahigit P400-M halaga ng ilegal na droga sa NAIA kamakalawa.

Sa ulat ni PDEG Director Police Brig. General Narciso Domingo kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang droga ay natagpuan sa inbound parcel sa interdiction operation sa Airbags Center, NAIA Complex.

May kabuuang timbang na 54.93 kilo ang narekober na crystalline substance na nakasilid sa mga plastic bag na itinago sa loob ng 16 na piyesa ng pulley.


Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung kanino ang nasabing ilegal na droga.

Facebook Comments