Sa ulat ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, ipinamahagi ito ng DSWD Region 2 sa 40 former rebels kung saan 23 sa mga ito ay mula sa bayan ng Sto. Niño; apat (4) sa Rizal; tatlo (3) sa Baggao; tatlo (3) rin sa Gattaran; apat (4) sa Lallo; dalawa (2) sa Allacapan at isa (1) sa munisipalidad ng Lasam.
Tumanggap ang bawat isa sa mga ito ng halagang P20,000 na kanila namang gagamitin na pang puhunan para sa kanilang napiling pangkabuhayan.
Lubos naman ang pasasalamat ng isa sa mga benepisyaryo na si Ginoong Jerry Jurado sa malaking tulong na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno.
Pinayuhan naman ni Retired Colonel Anatacio Macalan, Focal Person ng ELCAC Cagayan ang mga benepisyaryo na gamitin sa tama at palaguin ang kanilang natanggap na livelihood assistance.