P408K HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, GRANADA AT ARMAS, NASABAT SA ISANG LALAKI SA CALASIAO

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang search warrant ng awtoridad sa kanyang tahanan sa Brgy. Gabon, Calasiao.

Tinukoy ang suspek na isang high-value target sa usaping ilegal na droga.

Nakumpiska sa kustodiya nito ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na na nakasilid sa labing pitong pakete at nagkakahalaga ng P408, 000.

Bukod pa rito, isang granada, calibre 9mm na baril at tatlumpu’t isang piraso ng bala ang nasabat ng awtoridad.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at haharap sa kaukulang mga kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments