Tiklo ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng daang libong halaga ng hinihinalang shabu sa Mangaldan, Pangasinan.
Nakilala ang drug suspect na isang 29 anyos at residente ng Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City. Natukoy din ito bilang isang High Value Individual at kabilang sa Top Regional Priority Target sa usaping ilegal na droga.
Nakumpiska mula sa pagmamay-ari nito ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot P408, 000.
Nasa kustodiya na ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









