P442K na halaga ng shabu, nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa QC

Arestado ang labindalawa katao sa sunud-sunod na anti-drug operation ng QCPD na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P442,000 na halaga ng ipinagbabawal na gamot.

Unang naaresto sina Frederick De Jesus at Russel Leonida sa buy-bust operation ng Cubao Police sa Magsaysay St., Brgy. Manggahan, Pasig City.

Nasamsam sa kanila ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.


Nahuli naman ng Masambong Police sina Rhodel Occasion at Mary Shane Velga sa Mabuhay St., Brgy Central. Narekober sa kanila ang P88,400 halaga ng shabu.

Naaresto naman si Gaspar Gersey sa Sitio Mendez, Brgy. Baesa at nakuhanan ng P88,400 halaga ng shabu.

Lima naman ang nahuli ng Fairview Police sa dalawang operasyon sa Everlasting, Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik. Nakumpiska ng mga otoridad ang P47,600 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng Talipapa Police si Christian Bucatcat at nakuhanan umano ng P34,000.

Nahuli rin nila si Paolo Pablo sa Congressional Extn., Brgy. Culiat na nakuhanan ng P34,000 halaga ng shabu.

Facebook Comments