Naglaan na ang pamahalaan ng ₱45 billion para sa pagbili ng karagdagang COVID-19 vaccines para sa susunod na taon.
Pagtitiyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, na may pondo mula sa national budget na pwedeng gamitin para sa vaccinations, kabilang ang posibleng booster shots sa 2022.
Aniya, nananatiling target ng pamahalaan na mabakunahan ang adult population ng bansa bago matapos ang taon.
Siniguro rin ng kalihim na walang magiging problema sa pondo para sa pagbili ng bakuna ngayong taon at sa susunod na taon.
Asahan din aniyang ang mga bakunag ipapadala sa bansa sa mga susunod na buwan.
Tiwala si Dominguez na maaabot ng Pilipinas ang vaccination goal nito ngayong taon.
Sa ngayon, aabot na sa higit 30 milyong COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.