P458 billion economic stimulus plan, aaprubahan ngayong linggo

Nakatakdang maaprubahan ngayong linggo ang economic stimulus plan na layong makabangon ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng epekto ng COVID-19.

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na mahalaga sa ganitong krisis ang pagkakaroon ng economic recovery plan.

Sa ngayon, isinasapinal na ng economic cluster ng House Defeat COVID-19 Committee ang consolidated version ng P485-billion Philippine Stimulus Act (PESA).


Matitiyak dito ang pagpapanatili ng mga trabaho gayundin ang pagpapatuloy ng serbisyo ng mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Kapag hindi naman nagkaroon ng economic stimulus intervention ang gobyerno ay naunang inihayag ni House Committee on Economic Affairs Chairman Sharon Garin na posibleng nasa 30 million na mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Ayon naman kay Marikina Representative Stella Quimbo, umaabot na sa P18 Billion kada araw ang nawawalang kita sa bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments