CAUAYAN CITY – Namahagi ng kabuuang P45K na tulong pinansyal ang OWWA Region 2 sa bayan ng Echague at Alicia sa lalawigan ng Isabela.
Mula sa mga nabanggit na bayan, tatlong (3) OFW beneficiaries ang nabigyan ng tig-15,000 bilang tulong ng ahensya.
Ginawa ang pamamahagi sa ilalim ng Educational and Livelihood Assistance Program (ELAP) na nay layuning makapagsimula muli ang mga pamilya ng mga pumanaw na OFW’s.
Nangako naman ang OWWA na patuloy ang kanilang suporta at programa upang matulungan ang mga pamilya ng ating mga kababayaang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Facebook Comments