P464K HALAGA NG LIVELIHOOD PACKAGE, IPINAMAHAGI SA SAN NICOLAS

Tinanggap ng 42 miyembro ng San Nicolas Bakers Association sa Brgy. Dalumpinas, San Nicolas, ang livelihood packages noong Martes, Nobyembre 25.

Pinangunahan ng Department of Labor and Employment ang distribusyon kung saan umabot sa ₱464,630.75 ang kabuuang halaga na inilaan sa proyekto.

Sa tulong din ng kapulisan, natanggap ng grupo ang kumpletong kagamitan at supply para sa kanilang bakery.

Noong Mayo, ilang miyembro ng grupo na graduate mula sa programa ng TESDA ang nauna nang nakatanggap ng P250,000 para sa Bakery Project at mapalago pa ang mga produktong tinapay sa murang halaga.

Patuloy na isinusulong ang mga programang makatutulong sa mga pamilya upang magkaroon ng pangkabuhayan, oportunidad na kumita, at seguridad sa pinansyal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments