P470 na umento sa sahod sa NCR, ibinasura ng Regional Tripartite Wage and Productivity Boards

1037

Ibinasura ng Regional Tripartite Wage and Productivity Boards – National Capital Region (NCR) ang P470 na wage hike petition.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Information and Public Service Director Rolly Fascia, ikinatwiran ng NCR wage board ang “lack of jurisdiction” o hindi na nito sakop ang pagpapasaya sa nasabing petisyon.

Aniya, hindi rin madedesiyunan ng NCR wage board ang pagbabago ng sahod ng mga mangagawa sa ibang lugar sa bansa.


Nauna nang hiniling ng petitioner ang P470 dagdag-sahod mula sa kasalukayang P537 na minimum daily wage sa NCR at gawin itong P1,007.

Facebook Comments