P49 KADA KILO NG IMPORTED RICE, IPINATUPAD NG DA REGION 2

CAUAYAN CITY – Ipinatupad na ang bagong Maximum Suggested Retail Price (MSRP) na P49.00 kada kilo para sa imported rice sa Lambak ng Cagayan.

Ang naturang kautusan ay alinsunod sa Administrative Circular No. 5, Series of 2025 ng Department of Agriculture (DA) kung saan epektibo na ang naturang Suggested Retail Price (SRP) noong ika-10 ng Marso sa mga pampubliko at pribadong pamilihan.

Simula Enero 2025, bumaba umano ang presyo ng bigas sa world market na siyang naging batayan ng bagong presyo para sa imported rice.


Layunin umano ng bagong SRP na mapanatili ang abot-kayang presyo ng bigas at bilang pagprotekta sa mga rice consumers laban sa labis na pagtaas ng presyo.

Samantala, umaasa ang ahensya na susuportahan ito ng mga rice trailers sa pamamagitan ng pagsunod nila sa bagong kautusan.

Upang matiyak ito, nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang magsagawa ng monitoring sa mga nagbebenta ng mga imported rice sa pamilihan sa buong rehiyon.

Facebook Comments