P49,500,000 jackpot sa Ultra Lotto 6/58 , napanalunan na!

Isang mananaya ang maswerteng nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinatayang P49,500,000 ang napanalunang jackpot prize ng mananalaya sa lotto draw na may winning combination na 16-06-07-09-05-45.

Samantala, wala namang nagwagi sa Superlotto 6/49 jackpot prize na nagkakahalaga ng P26,880,801 na may winning combination na 40-36-44-14-19-48.


Facebook Comments