Naisumite na ng Department of Budget Management (DBM) sa Kamara ang 2022 National Expenditure Program (NEP) na naglalaman ng P5.024-trillion budget para sa susunod na taon.
Sina DBM Undersecretary Janet Abuel at Kim Robert de Leon, at Assistant Secretary Rolando Toledo naman ang mga nanguna sa pagsusumite ng pambansang pondo sa mababang kapulungan.
Pinangunahan nila House Speaker Lord Allan Velasco at House Majority Leader Martin Romualdez kasama ang iba pang house leaders ang pagtanggap ng 2022 NEP.
Ang pambansang pondo sa susunod na taon ay P5.024 trillion o 11.5 percent mas mataas kumpara sa P4.5 trillion na budget ngayong 2021.
Nauna namang sinabi ni Speaker Velasco na nakahanda na ang kamara para busisiin nang husto ang pambansang pondo sa 2022 na inaasahang makatutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino at ng bansa ngayong COVID-19 pandemic.