P5.024 trillion proposed 2022 national budget, ipapa-certified bilang urgent ng Kamara!

Hihingin na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa MalacaƱang i-sertipika bilang urgent bill ang P5.024 trillion 2022 proposed national budget.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Eric Yap, ito ay upang maipasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang national budget bago matapos ang buwan.

Sa Lunes, inaasahang magsisimula na ang plenary deliberation ng Kamara sa 2022 General Appropriations Bill.


Sinabi ni Yap na walang nangyaring amendment sa committee level, pero depende sa deliberasyon ng plenaryo kung magkakaroon ng mga pag-amyenda.

Facebook Comments