Nagkakahalaga na umano sa P5 billion ang mga nabiling farm machinery at equipment ng Department of Agriculture (DA) na naipamahagi sa mga grupo ng magsasaka sa bansa.
Ayon kay Baldwin Jallorina ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, aabot sa 15,046 units ng farm machinery at equipment ang kanilang nabili.
Nasa 13,499 ang nai-deliver sa mga farmers cooperatives kung saan makikinabang dito ang abot 1.35 million na farmer-members.
Isa ito sa pakinabang sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program.
Sa ilalim ng Rice Tarrification Law, may annual budget na P10 billion o P60 billion para sa kapakinabangan ng mga magsasaka mula sa anim na taong koleksyon ng taripa sa mga imported rice.
Mula sa P20 billion allocation mula 2019 to 2020, obligated na sa DA at ibang implementing agencies ang P16.2 billion at na-disburse o nagastos naman ang P7.1 billion.